Anumang oras nagtatangkang gumahis ang garalgal na tinig ng aming dalatan. Waring nilalagom ang mitig na mga pandamang bakay maski mumunting bakas ng tanglaw. Sa daluhong ng abo ng kabihasnan, sumila na ito ng tuluyan.

Gayunpaman, hindi ininda ni Karis ang nangangaluntoy na buhanging paminsan minsa’y humihipo sa kaniyang mga paa. Balot man ng sapatos, tila naman nilalatay paloob sa sarili nitong mga hurno. O ang labinlimang oras ng walang humpay nilang paglalakbay sa mabangis na siklab ng araw. Sapitin lamang ang nakaambang balasik ng dakong hinabi sa katampalasan,
na agad naman niyang sinunggaban.

Isang buwan na makalipas nang makipagsapalaran siya sa kalupaang pinira-piraso ng digmaan. Dakma ang kaniyang panulat at papel, tumangan noo’y walang iba kundi sa bulag na paninindigan. Dangan sa linggong iyon ng pakikipaglaro sa bingit ng kamatayan, walang pakundangan niyang sisilayan ang himpilang dinaranas bilang isa lamang oportunidad. Tulay upang maihantad ang katotohanan sa kaytagal niyang tinahak na pagsugal sa propesiyon.

Ang kasilawang palad sa pagkakataong iyon, walang mukhang maitatangis sa mga matang ngayo’y tumititig ng walang pagkahabag. Isang sulyap sa mga tanikalang yapos ang lupon, ay ginapi ng lunggati na mapawi na lamang sa lunang kinasadlakan. Batid ng sandaling iyon ang kailanma’y di maliliwanagang panig anupamang iwika ng kasaysayan.

Bago pa tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata.

Ang inihantong na lumuklok sa dutang siniklaban ng linggatong, ngayon wari’y naghihintay na lamang din mahabagang lumikom.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s